Sunday, December 6, 2009

Pamumula ng mga matang iba lamang ang nakikita

Ang kakayahan manghusga ang isa sa pinakamagaling at pinakapangit na katangian ng tao. may mga bagay na dahil sa putol-putol na pangyayari ay nakakabuo na isang konkreto at matibay na storya na kung minsan ay hinibla lamang naman sa malikot na isip ng tao. Ang tai ay may kakayahang husgahan ang iba. Ngunit, ganap bang tao ang tao kung hindi naman nya makita ang sarili nya? Hindi ba maisip nh tao na hindi naman lahat ng bagay na nakikita nya at naririnig nya ay totoo. Alam kong nalaman na ito ng tao nuong panahon pa nina Socrates at Plato, ngunit tagala nga bang nabago na ito sa kasalukuyang panahon. Ayokong manghusga ng mga tao dahil ayokong mapatulad sa kanilang mga ninuno ata ang mga unang tao na nagsabing tayo ang sentro ng kalawakan gayong isa lamang tayong tuldok sa malawak na kawalan... ang tangi ko lang masasabi bilang panghuli sa walang kwentang talangito (walang kwenta dahil hindi naman nababasa ng dapa makabasa):

Pilosopo ang buhay. Gagawin ka nitong isang taong di naman ikaw. Anung dapat mong gawin? Ngumiti na lang at sariwain ang mga panahong masaya ka.. at yun ay ngayon.

Photo credit: http://wordincarnate.files.wordpress.com

Monday, November 2, 2009

Fin... (nang may problema pa sa dila..)

Alam nyo ba yung palabas sa ABS-CBN na Maria de Jesus? hehe... Wala lang. Hindi ba Mexican Novela yun? Yung parang mga Marimar, Gata Salvaje o Passion De Amor... Hmmm.. Yung puro lapaplapan este pagmamahalan pala? O alam nyo na? Di ba after ng ending ng bawat isa sa mga yun may lumalabas sa isang naka-elegant script na font na saying... "FIN" Ibig sabihin ata nun tapos na... or The End.

Bakit ko nakwento? Dun nanggaling yung pamagat nito eh... obvious ba? =) Ano nga kayang magiging katapusan ng Maria De Jesus? Magkakatuluyan kaya sila ni Juan Miguel.. Nakakatuwa yung mga pangalan nila Pinoy na Pinoy eh... (parang baligtad noh? 'yaan na.. sarcastic daw kunwari..). Katapusan. Isang nakakatakot na salita hindi ba. Parang wala nang makakasagad pa kapag nasabi mo na na yun nga, katapusan na... pin.

Sa klase ko sa psychology matagal na panahon na ang nakalilipas, nabanggit noon na hindi naman daw ningas kugon ang mga pinoy, more of ningas bao daw tayo. Kasi kapag nasimulan ng mag alab ng ating mga damdamin para sa isang gawain, tuloy tuloy na daw ito at sagaran. Yun nga lang medyo matagal magbaga. Ngunit sa bilis nga ba at igting ng pag alab, mararating kaya nito ang katapusang inaasam, kumbaga sa pag sasaing eh, maiinin kaya ang kanin?...

Alam natin na nakahirap magsimula ngunit alam din natin na napakadami ng gustong magsimula di ba? Sa dami ng mga taong ito na gustong magsimula, talaga naman napakaganda ng nagagawang simula (parang ang gulo nun ah, intindihin nyo na lang, matalino naman kayo.. hehe) Pero sino naman kaya ang tatapos?

Ang pagtupad sa tungkulin ng pagtapos ng isang gawain ay isang napakalaking responsibilidad, isang pivotal point kumbaga. Kaya naman karamihan sa atin ay takot na angkinin ang ganito kalaking rersponsibilidad. Bukod sa takot na masisi kapag di naging maganda ang katapusan, karamihan sa atin ay takot sa pressure di ba? Ako man ay takot na tingnan ang bawat kong kilos kung tama ba ang gagawin ko kung sakaling ako ang tatapos ng isang gawain.

Which bring me to what I really want to point out here...Hmmm... Hindi ba dapat,

"Ako ang Tatapos."?

wala lang... naisip ko lang. Hindi ba dapat pagFIN at di puro pagPin ng kung anu-ano sa kamiseta ang gawin natin? Oo, mas madali ang magsimula kesa ang tumapos di ba? Pero magpapaumay ba tayo sa puro simula lamang? Ang kailangan natin ay pangmatagalang pagbabago... ang kailangan na natin ay ang katapusan, ang resulta. Hindi ba?

Kung paano natin yun makakamit, aba'y malay ko... kayo na bahalang mag isip nun. Sinimulan ko na eh, kayo naman ang tumapos... lolas!!!(meaning: laughing out loud and sarcastically) Yun lang.

Tapos na.

Fin.

-lencio

Photo credit: http://www.worldslargestthings.com

Sunday, November 1, 2009

Stare


Nanggaling ako sa mga Ninang kani-kanina lang tapos sa daan ko pauwi nagulat na lang ako ng may nakita ako sa aking harapan ang isang "Wave" (sa amin ganyan ang tawag, pero generally scooter lang din naman yun, pinaganda lang...) na nakahabalang na sa daan at sa tabi nito ay dalawang batang babae... Nagulat talaga ako sa nangyari... ni hindi ko man lang namalayan na nangyari na pala iyon... hindi ko tuloy nagawang tulungan sila na itayo ang kanilang mga sarili...

Basag ang side mirror ng kawawang wave... Duguan din ang tuhod nung isang batang babae.. *ang sakit nun grabe* Pero mukhang imbis na mag alala yung nakabangga ay parang inis pa ito... Hmmm... Ganun ba talaga dapat ang reaction natin pag may ganung pangyayari? Hindi ba dapat mag alala agad tayo dun sa nabangga natin?..

Natawa pa akokng bigla nang may isang boses sa malayo na nagsabi na "Ayan! Ang yabang kasi eh..!" Hmmm... hindi ba dapat, "Tingnan ang bata, baka yung ulo nababok na!" hmmm...

Wala akong gustong ipunto sa pagkakataong ito dahil naging isang walang kwentang tagapamasid din lamang ako...

Gusto ko lang ibahagi yung nangyari, hindi naman ito parabula na dapat may moral lesson di ba? hmmm... wala lang... naisip ko lang.

-lencio

Photo credits: http://designactivism.net (text reads: "Don't ignore me")

Wednesday, October 7, 2009

Shall We Walk?



















Naalala ko lang yung isa sa mga essays na pinag aralan namin nung high school... pinamagatang itong Shall We Walk by Pura Santillan-Castrence . Bakit ko naalala? Wala lang. Naglalakad kasi ako eh.. Plain and simple. Wala na kong paliguy-ligoy ligoy pa sa aking mga dahilan... simple lang dapat para mas maintindihan.. tama naman di ba?



May mga nagsasabi daw na ang tunay na lalake daw ay yung hindi madada... bagkus ginagawa na lang nya agad... Ang mga lalake din daw ay sinasarili lamang ang kanilang nararamdaman dahil ayaw nilang tawagin silang mahina. Kaya nga hindi ko iniisip na tunay na lalake ako eh.. hahaha.. kung ito lang ang pagbabasihan ha...

Kaya naman nagtataka tuloy ako kung tunay nga ba silang lalake... Hmmm...

Naglalakad kasi ako papunta sa campus nang may madaanan akong dalawang grupo ng mga kalalakihan... nanggaling sila sa magkaibang kapatiran. Habang naglalakad ako.. nakita ko silang papalapit at akala ko nung una ay magkakasama talaga sila. Pero, biglang nagmura yung isa sa mga "lalake" at yung alam ko na na frat rumble na naman ang nakaamba. Hindi na ako bago dito pero nagtaka lang ako... hindi ba dapat upakan na lang agad at wala nang sali-salita pa. Di ba? Wala na akong narining kundi mga "P*t*ng *n* nyo! Ano lumapit kayo dito!" Ba't di kaya sya ang lumapit? Di ba? Sya pala toh adik na adik sa away di ba? Bakit di na lang sya sumugod? ang lakas-lakas ng loob nya kasi kasama nya ang mga katropa nya.. isang bus ata sila eh... samantalang mabibilang mo lang sa daliri yung kabilang grupo.

Aba't ang nakakatawa pa nito may sinisigaw ang mga "lalakeng" isang bus na "TWO-ZERO!! TWO-ZERO!!" Ahahaha... Ano yun.. may Score! Hay.. kakaiba talaga ang mga frat dito... Ginagawang pam elem ang laban.. Asar Talo lang pala eh... hahaha...

Nakakatawa... Nakakaadwa.

Puro lang sila imik! Putak lang ng putak! Hindi nga siguro sila tunay na lalake... Tingin ko lang naman... Base lang dun sa sinabi ko kanina.. Kaya nga ako di tunay na lalake di ba? Pero buti ako.. inaamin ko na mahina ako... Hindi ako nagpapanggap. Sila kaya? Ewan... Naisip ko lang naman. Sana wag nila mabasa noh.. Kawawa naman ako. Yun lang.

-lencio


PhotoCredits: http://www.vagabondish.com/wp-content/uploads/slow-travel-walking.jpg

Wednesday, September 23, 2009

Paslit lang talaga ang tuwid mag isip...



Mabuti pa ang mga paslit noh? Tuwid silan
g mag isip. Kung ano yung gusto nilang gawin, gagawin lang nila agad nang walang pag aalinlangan... Di tulad nating matatanda, napakadami pang kailangan isaalang alang bago magdesisyon.

Sa mga nanliligaw na lang for example, maraming mga babae ang hindi magkanda ugaga sa pagpili sa kanilang dapat maging somenone... May nabasa ako sa isang nobela ni Ricky Lee na pinamagatang "Pa
ra kay B" na may mga tao palang (babae specifically) na naglilista ng mga pangalan ng manliligaw nila at isinusulat din ang mga good points at bad points ng bawat isa. Totoo bang ginawa ito? Ginawa rin kaya ito ni Sakura? Hmmm...

Kita nyo naman kung panu mag isip ang mga tao ngayon di ba? Kailangan talaga matitimbang nila ang mga bagay bagay ng husto sa panahon...

Buti pa si nene, toto
y, bata, baby, cutie, tagay, at NONOY. Hindi sila nag aalinlangan. Kung ano ang gusto nilang isubo, isusubo nila. Pag gusto nilang ngumawa, ngangawa sila. Pag gusto nilang umiyak, iiyak sila at pag gusto nilang tumakbo, tatakbo lang sila. Wala silang pakialam sa sinasabi mo. Hahaha... May sarili silang diskarte. Tama naman di ba?

Kaya nga lang gaya nga ng natatawag sa kanila, NONOY pa lang sila. Hindi pa nga nila ganoon kakayang lumakad ng maayos... ang tumakbo pa kaya? Hay.. kung bibigyan pa sana ng panahon na matuto sila sa paglakad at hindi yung umaasa lang sila sa AKAY ng magulang nila, mas magiging ok sana. Di ba?

Kung di ka mapapangiti sa post na toh.. slow ka ibig sabihin... Mapangiti ka man o magalit, okay lang.. ang mahalaga.. nabasa mo toh di ba? *ngiti*

-lencio

Photo Credits: http://families.osu.edu & http://eyegrind.com

Tuesday, August 4, 2009

Bubble Analogy



Bubbles? Beware. When we compare something with a bubble it is kind of scary... Bakit? Syempre naman.. sino ba naman ang gustong mapahalintulad sa bula? Madaling mawala. Napaikli ng buhay. At higit sa lahat...Bilog na mapayat. What? Parang contrasting yung idea di ba? Sino nga bang di pa nakakakita ng bula? What a stupid question noh? Whew.

Bakit nga ba wala tayong maisip na magandang katangian ng isang bula? Ako may naisip na. Kaso emo masyado, kaya wag na lang. Hindi naman ako ng sulat para mag-emo lang. May laman dapat lahat ng nandito. Sabi ko yun eh.. Yun ang masusunod. Sana di tayo matulad sa bula noh?

Hindi naman sa naawa ako sa kanya. Ayoko lang na napagaya sa kanya.. Di ba? Kung mas matagal lang sana ang buhay nya dito sa mundo... May marami pa sanang syang mga musmos na batang mapapangiti dahil sa cute nyang itsura.

Sana hindi rin maging tulad ng sa bula ang pag igting ng loob ng ilang mga pulitiko at pampublikong mga pigura. Yung bang pagiging makabayan nila. Napansin ko kasi, para naging makabayan na lahat ng mga yun ever since namatay si dating pangulong Aquino. (May you rest in peace Mrs. Aquino) Para
kasing pagkamakabayan na ang topic ng lahat ng labas nsa tv ngayon. Ang katapangan ng ating dating Pangulo.
Hindi naman sa pinupula ko ang ating mahal na unang babaeng presidente, pero tingin ko ay sumusobra na. Bula rin kaya itong mawawala pag nadala na ng hangin ng pang araw-araw na buhay?

Sana huwag... Sana naman huwag. Maging ako ata eh.. maapektuhan na ng pagkamabayang syndrome na ito.. Whew.. Katakot. Pero ok lang.. magaan naman sa loob... Wag lang sanang mawala ng parang BULA o BUBBLE o kahit na anu pang tawag.


(Paalala: Nagawa ang post na ito dahil kasalukuyang tinatapos ng sumulat ang post-lab report nya regarding surface tension... may nakita syan bubble na picture sa wiki entry kaya naisip nya na ipost ito sa blog nya.. Ang cute kasi eh... isinama na lang nya yung isang picture para may sense kahit papano...

"Tatawa ka ba kung makabayan kang talaga?")





-lencio


Thursday, June 4, 2009

Fetch to the Max


Maganda sa isang magulang na maging supportive sa kanyang mga anak. Nakakapagpalakas ng loob ng mga bata kung madalas nyang nakikita na andyan ang kanilang mga magulang para sa kanila. Pero kailan ito useful at kailan ito masama?


Noong June 1, 2009 nagsimula ang pasukan ng mga estudyante ng elementarya. Nautusan ako ng aking ina na ihatid ang akiong bunsong kapatid sa eskwela kahit na ito'y isa o dalawang minutong lakaran lamang ang layo mula sa aming bahay. Di na lang ako kumontra. Inihatid ko nga si Rj at pati isa kong pinsan. Doon ko napansin ang mga napansin ko.


Pagdating pa lang namin sa gate ng paaralan. Dagsa na ang mga magulang na nakaupo doon. Naghuhuntahan tungkol sa mga school requirements, mga section ng kani-kanilang mga section at kung anu-ano pang mga tsismis tungkol sa kanilang mga kabaranggay. Hanggang hapon na sila doon, ganun lang sila hanggang sa matapos ang klase. Bantay lang.


Sa simula akala ko ay okay lamang ito gaya ng mga sinabi sa una na maganda ito sa mga bata. Pero may mga pagkakataong nagiging sobra na din ito.


Oo nga mahalaga na suportahan ang mga anak sa kanilang edukasyon ngunit kung babantayan sila kada minuto, mawawalan sila ng pagkakataong maexplore at madiscover ang mga bagay bagay nang sila lamang. Sosobra ang dependency ng mga bata sa kanilang mga magulang. Baka matutad sila dun kay Daddy' Boy (see Fingerfint Bonanza). Hindi yun maganda scene. Nakakairita yun.


Isa pa. Sa tingin nyo, may naitutulong ito sa kumunidad? Bakit kaya imbis na bantayan nila minu-minuto ang kanilang mga anak ay magfocus sila sa ibang mga bagay tulad ng paghahanap ng matinong trabaho. Di ba? Ewan ko lang ha.


Ang masama pa nito, nagiging ugat ito ng inggitan at yabangan sa pagitan ng mga magulang na gustong nakahihigit ang kanilang mga anak. Ang mga anak tuloy, masyado nang natatali sa mga gawaingdi naman talaga nila gusto kung minsan.


Siguro nga nagiging protective lamang ang mga magulang na ito dahil delikado ang panahon sa ngayon. Pero tandaan natin, tayo anng ga matatanda, tayo ang agdidikta ng kung anong set-up meron sa ating paligid. Tanong: Bakit kaya di ligtas ang paligid ngayon? May nagawa na ba tayo para maibsan ang mga bagay na ito?


Bigyan sana ng konting kalayaan at tiwala ng mga magulang ang kanilang mga anak sa ngayon. Ako binigyan noon ng tiwala. At hindi ko pa naman yon nasisira sa ngayon. Subukan lang sana nila. Sana.


-lencio

Tuesday, June 2, 2009

Dancing Lessons Anyone?


CHA CHA cha?
Hmm... Notta notta...
Alang Pera.. DamIt!
Hindi kaya... DamIt!
Alang costume... DamIt!

-lencio

KATRINA


Hurricane? Bakit?

Tanda nyo pa ba yung buhawi na sumira sa ilang parte ng Amerika? Yun yon!

Ayan. At least may post na ako about Katrina.(I belong na! yehey!) Delubyo naman talaga di ba? Hmm.. Tama na toh. Masyado nang maraming airtime ang pangalang Katrina. Tama na yon.

-lencio






Fingerprint Bonanza

Kanina lang... nagpunta ako sa Munisipyo para magregister. Yehey! Makakaboto na ko! Yung Iba ring kayang botante excited na sa susunod na Election?

May mga napansin nga akong ilang mga bagay noong pumipila ako at naghihintay ng aking turn sa pagfill-up ng form. Wala lang. Gusto ko lang i-share:


1. The Daddy's Boy

May isang kasing edad ko lang na dumating sa pila mga ilang minuto pagkatapos kong dumating. Yaming ang batang iyon. (damulag na nga eh... sing edad ko eh) Kasama pa nya ang ever-loving Daddy nya. (supportive? ewan. baka tanga lang talaga yung anak nya kaya ganun)

Ang nakakairita (konti lang naman), bossy pa yung daddy nya at basta na lang pumunta sa unahan, not minding the pila you know! Hay naku talaga. Ang nakikita sa matatanda ay gingaya ng bata.

Bitter ba ko? Hmm.. Medyo. Ang bilis nya natapos eh. Nauna kasi. Inabutan pa tuloy ako ng lunchbreak kaya napilitan akong maghintay dun. *sigh*


2. The Pocketbook Craze

Tingin ko maraming freetime mga empleyado ng capitolyo. Marami silang time para matapos yung mga pocketbooks nila. Habang naghihintay ako na magbukas uli yung office ng COMELEC, may nakita akong babae ng bumaba sa basement. Tapos nang magbalik, may dala ng Precious Heart's Romance! At eto pa. Ibinigay niya ito dun sa isang guy na employee... (ang bading na ng tono ko ah... Sh*&!)

Tingin ko may book club sila. "The SPC Capitol's Book Club." Hula ko lang naman. Malay nating para sa bayan yun di ba? Hmm...



3. Ang Ink! Bow.

Pagdating ko pa lang.. napansin ko na sa mga poste ng pinagkakapitaganang gusali ng SPC ang mga tila itm na mga gudlis ng tinta. Ang dami as in! Kahit sa mga pader meron. Nagtataka nga ako eh. Saan kaya galing yun? Later I've found out na dun lang sa particular na part ng building merong ganun. Sa may office ng COMELEC. Hmmm... Pero nadiscover ko rin ang reason kung bakit may ganung everywhere. Yung huling part ng pagrehistro ay kukunan ka dapat ng picture at fingerprint (pag wala ka nun, wala ring kwenta ang pagpila mo). Yun palang mga ink na nasa pader ay mga natira ink sa daliri ng mga nagparehistro. Ipinapahid nila dun sa dinding at poste. Kadiri daw kasi yung ink eh, kaya ipinahid nila kung san-san. Hmm... Kadiri nga kaya yun? Hindi naman ako nandiri nung may ink yung thumbs ko. Siguro nga trip lang nilang magpahid dun. *sigh* Ang Pinoy nga naman.

(wag ka nagpahid din naman ako... di nga lang sa kapitolyo ha... ayoko nang dumagdag eh..baka maging kulay itim na yung buong building pag nagpatuloy pa yun... sa poste ako nagpahid *smiles* Pinoy eh. Sapat bang dahilan yun? Ewan)

Conclusion (actually para formal lang yung ending... wala lang)

Excited na kong bumoto! (nasabi ko na nga kanina eh...) Yung iba kaya? (nasabi ko na din...)

Gusto ko lang idiin nang husto yung point kong iyon. Wala na naman akong ibang relevant points eh... kung relevant mo nga bang maituturing yun. Hmmm... Tama na nga!

-lencio

Sunday, May 31, 2009

SantaCruzan 101

Ang mga sumusunod ay kalupunan ng mga komento at saloobin tungkol sa isa sa mga pinaka common na ginagawa tuwing buwan ng Mayo... Ang Santa Cruzan:

11:11 (bakit? trip ko lang)

Unang pagkakataon kong makapanood ng Stacruzan ngayong taon... nangyari ito sa amin... mga taga niyugan daw yung mga sagala... Maayos naman. Wala nga lang daw sagala talaga dahil puro konsorte lamang ang meron... puro daw kasi mukhang lalaki eh... sabi ng tita ko.

Kawawa naman sila siguro (ung mga sagala)... kung alam lang nila kung ano ang mga sinasabi sa kanila ng mga tao... pakiramdam ko alam nila... nagbibingi-bingihan lang siguro... ganun naman tayo di ba? Mapagpanggap.


Brgy. Sta Isabel Stacruzan 2009

Maayos naman yung mga sagala. May artista pa nga eh... si Chari Pineda(yung nasa Let's Go dati sa ABS at Nadine Samonte(Kung Mahawi man ang Ulap ng GMA... tama ba?). Ganda nga nila eh... Sinundan ko nga sila habang umaabante yung prusisyon.

May lalaking artista rin Justin Cuyugan daw yun. Cuyugan? Actually ansarap nya "kuyugin" kasi suplado sya... kala mo kung sinong gwapo... well actually gwapo nga...*bitter*

Anu reaksyon ko? Hmm... Mayaman talaga ang mga OFWs. Dapat silang pasalamatan dahil kung wala sila, walang artista ang Stacruzan ng Brgy. Sta. Isabel (kung alam nyo man kung saan yun). Sila kasi yung gumastos sa TF ng mga yun eh... Lahat ng OFWs sa lugar na yun eh nag ambag daw... MABUHAY ANG MGA BAGONG BAYANI!!!

Stacruzan sa amin 2009

Wala! Nadisappointed talaga me! Grabe. Pakshet talaga as in. Walang artista. Maarte lang meron. Last year si Lovi Poe, pero ngayon... hay... anyway... ang mahalaga, busog ako sa handa ng iba... *hagod sa tiyan*

Stacruzan ng Bayan 2009

Lahat ng mga natatanging Sagala ng San Pablo ay pinagsama-sama para sa Stacruzang ito. Actually, natsambahan ko lang na mapanuod yun eh... nautusan lang kasi ako na bumili ng pako sa bayan nun(ano namang kebs mo dun di ba?).

Maayos naman... di ko lang maintindihan kung bakit andami mga nanunuod.. *tawa*
Nga pala. Ginawa nga pala ang Stacruzan para magyabangan. Magpagandahan ng kasuotan. May napansin nga akong trend eh. Pag babae ka sasabihin mo sa batang kasama mo na "Ang ganda ng suot oh." Pero pag lalaki ka naman, ang masasabi mo eh, "Ang ganda nung nagsusuot oh."



Purpose-Searching Moment

Anu nga ba ang papel ng stacruzan sa ngayon? Yabangan na nga lang ba ito? Hmm... Sa lahat ng napanuod kung tapusan (term yun dito sa amin... ibig sabhin stacruzan), wala man lang akong narinig na taong nagdadasal. Sa stacruzan lang sa bayan ako nakakita ng poon eh. Hmm... Anu nga kaya ang purpose ng stacruzan sa ngayon?

Malay.

Kahit nga ako hindi na makadasal pag andun ako eh.

Magmumukha ka pang ewan sa harap ng marami.

Napansin ko lang naman. Kayo? Ano palagay nyo sa stacruzan nyo sa inyong lugar?

-lencio

Friday, May 29, 2009

Titulo: Pinag isipan o Hinayaan?

Sa pagsisimula ng isang bagong yugto sa aking buhay... at iyon ay ang pagpasok na naman ng bagong semestre... bigla na lamang gumapang sa akin ang kaasaman na gumawa ng isang blog.

Bakit ako gumawa ng isang blog? Anu ba ang poetics ko sa paggawa nito? (sabi nga ng isang kong kaibigan)

Aaminin ko na hindi rin naman malinaw kung bakit ako nagblog ngayon... Marahil nga gusto ko lang... Trip.
Hindi ko rin asam na magkaroon ng maraming mga taga basa... pero ewan ko nga ba... siguro gusto ko lang sumaliw na patok na musika ng panahon... ang blogging ay isang musika na talaga namang kinahuhumalingan ng mga tao sa henerasyong ito... gusto ko lang makisali kung baga... maki ayon... sumunod.

Kung tutuusin eh huli na nga ako sa uso eh... dahil ngayon lang din naman ako nag blog talaga... ("pathetic" ika nga ni Sakura... )

Ano ang pagkakaiba ng blog na ito sa iba pang mga blog na nagkalat? Wala. Dahil tulad ng sankaterbang mga blog sa ngayon... pagpapapansin din lang naman ang punot-dulo ng lahat ng ito di ba? sino nga bang hindi gustong mapansin sila? Tao lang din naman ako at may damdaming tao din.

Ano ang meron sa Blog Title? Wala lang din. Yun lang ang naisip kong bigla eh... kailangan bang may rason lahat ng bagay? Pusta ko lahat din naman tayo nawawalan din ng rason paminsan-minsan.

Ang blog na ito ay para sa mga continuous thoughts ng isang studyanteng nasa huling taon (sana..) ng kanyang pag aaral sa kolehiyo. Walang structure o poetics. Walang rules o guidelines.

Isang kompaylaysyon ng mga hinuha at mga kuro-kurong hindi maisarili ng sumulat...





Sa madaling salita...





ISANG KABULASTUGAN.




-Lencio