Thursday, June 4, 2009

Fetch to the Max


Maganda sa isang magulang na maging supportive sa kanyang mga anak. Nakakapagpalakas ng loob ng mga bata kung madalas nyang nakikita na andyan ang kanilang mga magulang para sa kanila. Pero kailan ito useful at kailan ito masama?


Noong June 1, 2009 nagsimula ang pasukan ng mga estudyante ng elementarya. Nautusan ako ng aking ina na ihatid ang akiong bunsong kapatid sa eskwela kahit na ito'y isa o dalawang minutong lakaran lamang ang layo mula sa aming bahay. Di na lang ako kumontra. Inihatid ko nga si Rj at pati isa kong pinsan. Doon ko napansin ang mga napansin ko.


Pagdating pa lang namin sa gate ng paaralan. Dagsa na ang mga magulang na nakaupo doon. Naghuhuntahan tungkol sa mga school requirements, mga section ng kani-kanilang mga section at kung anu-ano pang mga tsismis tungkol sa kanilang mga kabaranggay. Hanggang hapon na sila doon, ganun lang sila hanggang sa matapos ang klase. Bantay lang.


Sa simula akala ko ay okay lamang ito gaya ng mga sinabi sa una na maganda ito sa mga bata. Pero may mga pagkakataong nagiging sobra na din ito.


Oo nga mahalaga na suportahan ang mga anak sa kanilang edukasyon ngunit kung babantayan sila kada minuto, mawawalan sila ng pagkakataong maexplore at madiscover ang mga bagay bagay nang sila lamang. Sosobra ang dependency ng mga bata sa kanilang mga magulang. Baka matutad sila dun kay Daddy' Boy (see Fingerfint Bonanza). Hindi yun maganda scene. Nakakairita yun.


Isa pa. Sa tingin nyo, may naitutulong ito sa kumunidad? Bakit kaya imbis na bantayan nila minu-minuto ang kanilang mga anak ay magfocus sila sa ibang mga bagay tulad ng paghahanap ng matinong trabaho. Di ba? Ewan ko lang ha.


Ang masama pa nito, nagiging ugat ito ng inggitan at yabangan sa pagitan ng mga magulang na gustong nakahihigit ang kanilang mga anak. Ang mga anak tuloy, masyado nang natatali sa mga gawaingdi naman talaga nila gusto kung minsan.


Siguro nga nagiging protective lamang ang mga magulang na ito dahil delikado ang panahon sa ngayon. Pero tandaan natin, tayo anng ga matatanda, tayo ang agdidikta ng kung anong set-up meron sa ating paligid. Tanong: Bakit kaya di ligtas ang paligid ngayon? May nagawa na ba tayo para maibsan ang mga bagay na ito?


Bigyan sana ng konting kalayaan at tiwala ng mga magulang ang kanilang mga anak sa ngayon. Ako binigyan noon ng tiwala. At hindi ko pa naman yon nasisira sa ngayon. Subukan lang sana nila. Sana.


-lencio

No comments:

Post a Comment