Bubbles? Beware. When we compare something with a bubble it is kind of scary... Bakit? Syempre naman.. sino ba naman ang gustong mapahalintulad sa bula? Madaling mawala. Napaikli ng buhay. At higit sa lahat...Bilog na mapayat. What? Parang contrasting yung idea di ba? Sino nga bang di pa nakakakita ng bula? What a stupid question noh? Whew.
Bakit nga ba wala tayong maisip na magandang katangian ng isang bula? Ako may naisip na. Kaso emo masyado, kaya wag na lang. Hindi naman ako ng sulat para mag-emo lang. May laman dapat lahat ng nandito. Sabi ko yun eh.. Yun ang masusunod. Sana di tayo matulad sa bula noh?
Hindi naman sa naawa ako sa kanya. Ayoko lang na napagaya sa kanya.. Di ba? Kung mas matagal lang sana ang buhay nya dito sa mundo... May marami pa sanang syang mga musmos na batang mapapangiti dahil sa cute nyang itsura.
Sana hindi rin maging tulad ng sa bula ang pag igting ng loob ng ilang mga pulitiko at pampublikong mga pigura. Yung bang pagiging makabayan nila. Napansin ko kasi, para naging makabayan na lahat ng mga yun ever since namatay si dating pangulong Aquino. (May you rest in peace Mrs. Aquino) Para kasing pagkamakabayan na ang topic ng lahat ng labas nsa tv ngayon. Ang katapangan ng ating dating Pangulo.
Hindi naman sa pinupula ko ang ating mahal na unang babaeng presidente, pero tingin ko ay sumusobra na. Bula rin kaya itong mawawala pag nadala na ng hangin ng pang araw-araw na buhay?
Sana huwag... Sana naman huwag. Maging ako ata eh.. maapektuhan na ng pagkamabayang syndrome na ito.. Whew.. Katakot. Pero ok lang.. magaan naman sa loob... Wag lang sanang mawala ng parang BULA o BUBBLE o kahit na anu pang tawag.
(Paalala: Nagawa ang post na ito dahil kasalukuyang tinatapos ng sumulat ang post-lab report nya regarding surface tension... may nakita syan bubble na picture sa wiki entry kaya naisip nya na ipost ito sa blog nya.. Ang cute kasi eh... isinama na lang nya yung isang picture para may sense kahit papano...
"Tatawa ka ba kung makabayan kang talaga?")
-lencio
No comments:
Post a Comment