Wednesday, September 23, 2009

Paslit lang talaga ang tuwid mag isip...



Mabuti pa ang mga paslit noh? Tuwid silan
g mag isip. Kung ano yung gusto nilang gawin, gagawin lang nila agad nang walang pag aalinlangan... Di tulad nating matatanda, napakadami pang kailangan isaalang alang bago magdesisyon.

Sa mga nanliligaw na lang for example, maraming mga babae ang hindi magkanda ugaga sa pagpili sa kanilang dapat maging somenone... May nabasa ako sa isang nobela ni Ricky Lee na pinamagatang "Pa
ra kay B" na may mga tao palang (babae specifically) na naglilista ng mga pangalan ng manliligaw nila at isinusulat din ang mga good points at bad points ng bawat isa. Totoo bang ginawa ito? Ginawa rin kaya ito ni Sakura? Hmmm...

Kita nyo naman kung panu mag isip ang mga tao ngayon di ba? Kailangan talaga matitimbang nila ang mga bagay bagay ng husto sa panahon...

Buti pa si nene, toto
y, bata, baby, cutie, tagay, at NONOY. Hindi sila nag aalinlangan. Kung ano ang gusto nilang isubo, isusubo nila. Pag gusto nilang ngumawa, ngangawa sila. Pag gusto nilang umiyak, iiyak sila at pag gusto nilang tumakbo, tatakbo lang sila. Wala silang pakialam sa sinasabi mo. Hahaha... May sarili silang diskarte. Tama naman di ba?

Kaya nga lang gaya nga ng natatawag sa kanila, NONOY pa lang sila. Hindi pa nga nila ganoon kakayang lumakad ng maayos... ang tumakbo pa kaya? Hay.. kung bibigyan pa sana ng panahon na matuto sila sa paglakad at hindi yung umaasa lang sila sa AKAY ng magulang nila, mas magiging ok sana. Di ba?

Kung di ka mapapangiti sa post na toh.. slow ka ibig sabihin... Mapangiti ka man o magalit, okay lang.. ang mahalaga.. nabasa mo toh di ba? *ngiti*

-lencio

Photo Credits: http://families.osu.edu & http://eyegrind.com

2 comments:

  1. nag-iisip ba ang mga paslit...sila'y nagdidisesyon na naaayon sa kanilang kagustuhan...gumagawa ng mga bagay bagay na di na pinag-iisipan...Bakit mu naman naisipang magsulat ng ganito??? Wala siang katotohanan...anyway...ang taong tuwid mag-isip ay ang taong marunong magtimbang ng mga bagay-bagay bago pa man ito pag-didisesyonan...anyways its your own way of understanding...that you are a good example of your own article

    ReplyDelete
  2. ngayon ko lang ito nabasa...hehehe...mukhang hindi mo nga naintindihan ang nais kong sabihin... una sa lahat... ang paslit ay nag iisip...sino ka naman para sabihin na hindi sila nag iisip...

    pangalawa, bkt ko naisipan? tingnan mo munang maigi kung kailan ko isinulat ito. pero malamang di mo din magegets...

    wala na ako masabi.. tingin mo kasi ata pinupula ko ang mga tao...intindihin mo muna ng maigi bago mo husgahan pati ang takbo ng isip ng isang tao...

    ReplyDelete