Friday, May 29, 2009

Titulo: Pinag isipan o Hinayaan?

Sa pagsisimula ng isang bagong yugto sa aking buhay... at iyon ay ang pagpasok na naman ng bagong semestre... bigla na lamang gumapang sa akin ang kaasaman na gumawa ng isang blog.

Bakit ako gumawa ng isang blog? Anu ba ang poetics ko sa paggawa nito? (sabi nga ng isang kong kaibigan)

Aaminin ko na hindi rin naman malinaw kung bakit ako nagblog ngayon... Marahil nga gusto ko lang... Trip.
Hindi ko rin asam na magkaroon ng maraming mga taga basa... pero ewan ko nga ba... siguro gusto ko lang sumaliw na patok na musika ng panahon... ang blogging ay isang musika na talaga namang kinahuhumalingan ng mga tao sa henerasyong ito... gusto ko lang makisali kung baga... maki ayon... sumunod.

Kung tutuusin eh huli na nga ako sa uso eh... dahil ngayon lang din naman ako nag blog talaga... ("pathetic" ika nga ni Sakura... )

Ano ang pagkakaiba ng blog na ito sa iba pang mga blog na nagkalat? Wala. Dahil tulad ng sankaterbang mga blog sa ngayon... pagpapapansin din lang naman ang punot-dulo ng lahat ng ito di ba? sino nga bang hindi gustong mapansin sila? Tao lang din naman ako at may damdaming tao din.

Ano ang meron sa Blog Title? Wala lang din. Yun lang ang naisip kong bigla eh... kailangan bang may rason lahat ng bagay? Pusta ko lahat din naman tayo nawawalan din ng rason paminsan-minsan.

Ang blog na ito ay para sa mga continuous thoughts ng isang studyanteng nasa huling taon (sana..) ng kanyang pag aaral sa kolehiyo. Walang structure o poetics. Walang rules o guidelines.

Isang kompaylaysyon ng mga hinuha at mga kuro-kurong hindi maisarili ng sumulat...





Sa madaling salita...





ISANG KABULASTUGAN.




-Lencio

No comments:

Post a Comment