Ang kakayahan manghusga ang isa sa pinakamagaling at pinakapangit na katangian ng tao. may mga bagay na dahil sa putol-putol na pangyayari ay nakakabuo na isang konkreto at matibay na storya na kung minsan ay hinibla lamang naman sa malikot na isip ng tao. Ang tai ay may kakayahang husgahan ang iba. Ngunit, ganap bang tao ang tao kung hindi naman nya makita ang sarili nya? Hindi ba maisip nh tao na hindi naman lahat ng bagay na nakikita nya at naririnig nya ay totoo. Alam kong nalaman na ito ng tao nuong panahon pa nina Socrates at Plato, ngunit tagala nga bang nabago na ito sa kasalukuyang panahon. Ayokong manghusga ng mga tao dahil ayokong mapatulad sa kanilang mga ninuno ata ang mga unang tao na nagsabing tayo ang sentro ng kalawakan gayong isa lamang tayong tuldok sa malawak na kawalan... ang tangi ko lang masasabi bilang panghuli sa walang kwentang talangito (walang kwenta dahil hindi naman nababasa ng dapa makabasa): Pilosopo ang buhay. Gagawin ka nitong isang taong di naman ikaw. Anung dapat mong gawin? Ngumiti na lang at sariwain ang mga panahong masaya ka.. at yun ay ngayon.
Photo credit: http://wordincarnate.files.wordpress.com
No comments:
Post a Comment