"Family first." Isang magandang kaugalian ng mga Filipino. Kaso minsan medyo kakaiba lang naman yung ibang mga tao. Parang kagaya nitong lalaki na nakaupo at naglalaro ng cellphone sa larawan.
Nakatayo kami sa bus kasi punuan na, galing akong San Pablo at papunta ng Turbina. Nang sumakay ang Mamang ito kasama ang mag - ina nya. Syempre nakatayo din sila lahat nung una. Nang may mabakanteng dalawang upuan, pinaupo ng Mamang ito ang mag ina nya. Tanong. Sino yung ale na nasa larawan? Ibang mag-ina yan. Yang mag-ina na yan ay nauna pang sumakay dun sa pamilya nung Mamang nakaupo. Nang may mabakante muling upuan, dali dali ang mamang ito sa pag upo, ni hindi man lang inisip na may nanay na ngawit na sa pagbuhat ng anak nya.
Tapos ayan, komportableng naglalaro sa cellphone nya ang Mama.
Ganyan na ba tayo ka manhid sa panahon ngayon?
Ni hindi man lang natinag yung Mama na yon nung magparinig ako pagkaupo nya.
Family first nga ang ginawa ng Mama. Teka, mali pala, mas tama na "Family only". Only selfish love ika nga nung kanta. Hmmm... Mali pa rin pala yun.
Sara Duterte on Confidential Funds
-
Sara Duterte said whoever contradicts confidential funds is against peace.
The post Sara Duterte on Confidential Funds appeared first on Piercing Pens.
1 year ago
No comments:
Post a Comment