Sunday, June 29, 2014

Pangangawit

Why is it that nowadays people care more for the "recording of an event" rather than experiencing it live?

One example is the concept of a live gig. I was once in a barrio in a Cabuyao City, Laguna to watch a live performance of the band Kamikazee. And it was a virus. The non-tiring arms of people not raising for cheers but raising their iphones and others to take a faulty, shaky, low quality video.


That was indeed a site. Worse are those arms that block the view of people who really want to enjoy the performance like me.

In the gig scene there is also a term called "jumping jologs" or people who jump and raise their hands to the beat of a song they like, which sometime include random pushing and hovering at each other. Judgmental people sees them as "not-trendy", "baduy" or "jologs" as the name indicates. Honestly, I don't have anything against them just as long that its just for a clean and a less brutal fun.At least they know how to enjoy the "real" experience of being in a live concert.

As an ending note I would like to commend the intelligence of Filipino Entrepreneurs. Why? Because they fully grasp the concept of "DEMAND". People today care more of gathering proofs that they are doing something by videoing and taking pictures of events they went to. There is a "DEMAND" for it. So, the wise negosyantes thought of a way to benefit from this, further encouraging such practice. I don't want to explain anymore. Just look below:


Nice right? Nuff said.

Sunday, June 8, 2014

Family First

"Family first." Isang magandang kaugalian ng mga Filipino. Kaso minsan medyo kakaiba lang naman yung ibang mga tao. Parang kagaya nitong lalaki na nakaupo at naglalaro ng cellphone sa larawan.

Nakatayo kami sa bus kasi punuan na, galing akong San Pablo at papunta ng Turbina. Nang sumakay ang Mamang ito kasama ang mag - ina nya. Syempre nakatayo din sila lahat nung una. Nang may mabakanteng dalawang upuan, pinaupo ng Mamang ito ang mag ina nya. Tanong. Sino yung ale na nasa larawan? Ibang mag-ina yan. Yang mag-ina na yan ay nauna pang sumakay dun sa pamilya nung Mamang nakaupo. Nang may mabakante muling upuan, dali dali ang mamang ito sa pag upo, ni hindi man lang inisip na may nanay na ngawit na sa pagbuhat ng anak nya.

Tapos ayan, komportableng naglalaro sa cellphone nya ang Mama.

Ganyan na ba tayo ka manhid sa panahon ngayon?

Ni hindi man lang natinag yung Mama na yon nung magparinig ako pagkaupo nya.

Family first nga ang ginawa ng Mama. Teka, mali pala, mas tama na "Family only". Only selfish love ika nga nung kanta. Hmmm... Mali pa rin pala yun.

Friday, January 31, 2014

Love is Blind. Literally.


Kapag in-love ka, wala kang ibang nakikita. Wala kang pakialam sa mundo, basta kasama mo ang your one and only. Tsk.
(Picture: Jeepney going to San Pablo City)

Tuesday, November 5, 2013

PeekaBook: Manila sa kuko ng Manunulat

noir - noun,
a genre of crime film or fiction characterized by cynicism, fatalism, and moral ambiguity.
"his film proved that a Brit could do noir as darkly as any American" 
(Google)


Yan ang ibig sabihin ng noir. Hinanap ko pa talaga yan kasi hindi ko alam eh. Collection of short stories na nakabase lahat sa Manila ang setting. I liked when Ms. Jessica Hagedorn said in her introduction that Manila is a "Femme Fatale". She said that it is "Sexy, complicated, and tainted by a dark and painful past, she's not to be trusted." Grabe saktong sakto ang depinisyon nya sa Manila. I definitely agree to that. Ako hindi ako "taong-maynila" pero tingin ko base sa napapanuod ko sa movie at sa TV, tumpak sya sa kanyang mga sinabi.

Kung probinsyanong mahirap ka na katulad ko, makakarelate ka sigurado sa unang storya na Aviary by Mr. Lysley Tenorio. Actually yun pa lang ang nababasa ko for the moment. I look forward for the story by the great Sir Lourd De Veyra pati na rin yun episode ng Trese ni Mr. Kajo Baldisimo and Mr. Budjette Tan.

Hindi ako nagrereview talaga ng book. Nagrerecommend lang. This is worth your every piso. Kaya (may pagwave ng kamay kagaya ni sharon sa super ferry commercial) Bili na!

Photo  credits: http://www.anvilpublishing.com/anvil2012/wp-content/uploads/2013/05/Manila-Noir.jpg

Tuesday, October 22, 2013

PeekaBook: Thoughts of an Idol Pilosopo.

May binabasa ako. Di ko pa naman tapos. This is a Crazy Planets Book Two. Compilation ng mga gawa ni Sir Lourd De Veyra sa spot.ph. Grabe. Antindi ng mga nakasulat. Samba ako eh. FIERCE ika nga ng mga beki nating kapatid. (well wala naman akong beki na kapatid... respeto na lang din siguro.)

Kung gusto mo makabasa ng matindi tinding komentaryo at kung anu ano pa,try mo. Endorser ako ni Sir Lourd. (sana lang mabarayan kahit konti). Kaya ano pang hinihintay. Bili na.

Monday, October 21, 2013

Kahit and blog nagrereformat din.


Due to insistent work demand, hindi na ako updated sa nangyayari sa earth. Kaya hindi na lang maglilimit ngayon ang pamimilosopo sa mga events that matter. Ngayon pati na din sa event na hindi nagmamatter. Sad to say magiging katulad na din ang PilPam ng almost all blogs na ika ng sa sabi ni Sheldon Cooper sa Big Bang Theory, "A whirling vortex of entropy." Walang direksyon, walang tema, free ang palusot ng ibang nagkukunwaring maging blogger. (Parang ako lang.. hehe) Parang yung mga blog lang na may title na "My life", " The amazing world of ME", " tries to blog" atbp. Sorry sa tatamaan. (Alam ko namang wala kasi wala namang nagbabasa neto eh. Kaya i'm free (echo: free free free free..)! In short, PilPam will be a selfish blog este a narcissistic blog este a personal blog. Kasi nga magfofocus na ako sa things that do not matter: Me. (emo lang.. sarap sakalin)

Any way, what's my point? As usual wala. At to tell you honestly, I matter. (atleast to my mama and myself) hehehe..

At dahil I matter. Hindi na kailangang magrereformat ang PilPam. Nang aasar lang ako kanina. May masabi lang. FIN.

Photocredit: http://www.webtemplatesblog.com/wp-content/uploads/2010/08/personal-blog-template.jpg

Friday, July 15, 2011

Pilosopo Says... No.2

"If the people in the Philippines would only do their jobs... they would never have to not do them."