Thursday, May 13, 2010

Yabangs: Spoilage of Purpose


Sa nakaraang 2010 elections, marami ang nadismaya at napagod sa unang pagdanas nila ng automated process of voting. Hindi maipagkakaila na isa ito sa mga events na talagang tatatak na sa kasaysayan nating mga JDLCruzes. Mantakin natin na ito ang pinakaunang automated elections na ating naranasan. Ako ma'y nagagalak dahil sa unang beses ko nang pagboto ay ang syang unang beses din na nakilala ang bantog na si PICOS.. *smiles* di hamak naman ako na gwapo sa kanya pero bakit sya pinipilahan ako hindi... (you soab rectangle-faced freek! hehehe..)

Ang siguro nga ay itinaon ng mga nangungunang stations sa tv na gumaya sa election.. (wala na talaga silang ginawa kundi ang gumaya) Paggaya in a sense na gumawa din ng kani-kanilang "first", sa GMA 7 ang kanilang unang hologram report na si Howie Severino pa ang bida, samantalang sa ABC-CBN naman ay ang unang virtual presence report na sa iba't-ibang lugar naman kinunan... Maayos na sana eh.. kung hindi lang sa isang statement na narinig ko sa isang reporter ng isa sa mga station...

"Ito po ay hindi chroma-effect lamang.. ito ay actual ng virtual presence.."

..or something like that.. tao din naman ako.. at malayo ako nung sinabi yun. hahaha

Marahil naman ay sikreto pa rin sa inyo kung saan estasyon nagmula ang komentong ito.. (hindi obvious noh?) Ang tanging tanong ko lamang.. "Kailangan ba talaga ang magyabang pa?"

Yabang. Hay... isang sakit ng lipunan na tingin ko ay di na maalis pa.. maging ako ay apektado ng salot na yan... di ko napigilan eh... hehe..

Pero ang magyabang pa sa ganitong kaimporanteng yugto ng kasaysayan ay marahil di na nararapat.. Actually, kahit saan naman pagkakataon pwera sa biruan ay hindi dapat magyabang di ba?

Isang napakahalagang sandali ang nasasaksihan ng bawat isang JDLCruz ng mga panahong iyon... hindi kaya dapat ay di natin siya bigyan ng isang di makatarungang komento na patungkol sa pabanguhan ng ngalan ni ninuman?

At sa halalan pa talaga di ba? Sinasalamin kaya nito ang mismong sitwasyon natin ngayon? Ang ali nating gawi na kahit sa mga seryosong bagay ay pinipili pa rin natin ang maging di seryoso?

Hindi ko na alam... siguro nga capital OA lang ako.. pero pilosopo ako.. at ito gawain ko eh... nagtatanong lang naman po...

curse you mfing PICOS!... inagaw mo mga sandamakmak na pumipila sa aking kawgapuhan!

And then again.. YABANG.

*at least sa joketime ko ginamit.... Nuff said.


-lencio


Photo credits: http://www.promptdesigns.com/onedesignph/post-images/2010ElectioncoveragebyABSCBN2andGMA7_14D0E/election2010_3.jpg

No comments:

Post a Comment