Sunday, May 31, 2009

SantaCruzan 101

Ang mga sumusunod ay kalupunan ng mga komento at saloobin tungkol sa isa sa mga pinaka common na ginagawa tuwing buwan ng Mayo... Ang Santa Cruzan:

11:11 (bakit? trip ko lang)

Unang pagkakataon kong makapanood ng Stacruzan ngayong taon... nangyari ito sa amin... mga taga niyugan daw yung mga sagala... Maayos naman. Wala nga lang daw sagala talaga dahil puro konsorte lamang ang meron... puro daw kasi mukhang lalaki eh... sabi ng tita ko.

Kawawa naman sila siguro (ung mga sagala)... kung alam lang nila kung ano ang mga sinasabi sa kanila ng mga tao... pakiramdam ko alam nila... nagbibingi-bingihan lang siguro... ganun naman tayo di ba? Mapagpanggap.


Brgy. Sta Isabel Stacruzan 2009

Maayos naman yung mga sagala. May artista pa nga eh... si Chari Pineda(yung nasa Let's Go dati sa ABS at Nadine Samonte(Kung Mahawi man ang Ulap ng GMA... tama ba?). Ganda nga nila eh... Sinundan ko nga sila habang umaabante yung prusisyon.

May lalaking artista rin Justin Cuyugan daw yun. Cuyugan? Actually ansarap nya "kuyugin" kasi suplado sya... kala mo kung sinong gwapo... well actually gwapo nga...*bitter*

Anu reaksyon ko? Hmm... Mayaman talaga ang mga OFWs. Dapat silang pasalamatan dahil kung wala sila, walang artista ang Stacruzan ng Brgy. Sta. Isabel (kung alam nyo man kung saan yun). Sila kasi yung gumastos sa TF ng mga yun eh... Lahat ng OFWs sa lugar na yun eh nag ambag daw... MABUHAY ANG MGA BAGONG BAYANI!!!

Stacruzan sa amin 2009

Wala! Nadisappointed talaga me! Grabe. Pakshet talaga as in. Walang artista. Maarte lang meron. Last year si Lovi Poe, pero ngayon... hay... anyway... ang mahalaga, busog ako sa handa ng iba... *hagod sa tiyan*

Stacruzan ng Bayan 2009

Lahat ng mga natatanging Sagala ng San Pablo ay pinagsama-sama para sa Stacruzang ito. Actually, natsambahan ko lang na mapanuod yun eh... nautusan lang kasi ako na bumili ng pako sa bayan nun(ano namang kebs mo dun di ba?).

Maayos naman... di ko lang maintindihan kung bakit andami mga nanunuod.. *tawa*
Nga pala. Ginawa nga pala ang Stacruzan para magyabangan. Magpagandahan ng kasuotan. May napansin nga akong trend eh. Pag babae ka sasabihin mo sa batang kasama mo na "Ang ganda ng suot oh." Pero pag lalaki ka naman, ang masasabi mo eh, "Ang ganda nung nagsusuot oh."



Purpose-Searching Moment

Anu nga ba ang papel ng stacruzan sa ngayon? Yabangan na nga lang ba ito? Hmm... Sa lahat ng napanuod kung tapusan (term yun dito sa amin... ibig sabhin stacruzan), wala man lang akong narinig na taong nagdadasal. Sa stacruzan lang sa bayan ako nakakita ng poon eh. Hmm... Anu nga kaya ang purpose ng stacruzan sa ngayon?

Malay.

Kahit nga ako hindi na makadasal pag andun ako eh.

Magmumukha ka pang ewan sa harap ng marami.

Napansin ko lang naman. Kayo? Ano palagay nyo sa stacruzan nyo sa inyong lugar?

-lencio

Friday, May 29, 2009

Titulo: Pinag isipan o Hinayaan?

Sa pagsisimula ng isang bagong yugto sa aking buhay... at iyon ay ang pagpasok na naman ng bagong semestre... bigla na lamang gumapang sa akin ang kaasaman na gumawa ng isang blog.

Bakit ako gumawa ng isang blog? Anu ba ang poetics ko sa paggawa nito? (sabi nga ng isang kong kaibigan)

Aaminin ko na hindi rin naman malinaw kung bakit ako nagblog ngayon... Marahil nga gusto ko lang... Trip.
Hindi ko rin asam na magkaroon ng maraming mga taga basa... pero ewan ko nga ba... siguro gusto ko lang sumaliw na patok na musika ng panahon... ang blogging ay isang musika na talaga namang kinahuhumalingan ng mga tao sa henerasyong ito... gusto ko lang makisali kung baga... maki ayon... sumunod.

Kung tutuusin eh huli na nga ako sa uso eh... dahil ngayon lang din naman ako nag blog talaga... ("pathetic" ika nga ni Sakura... )

Ano ang pagkakaiba ng blog na ito sa iba pang mga blog na nagkalat? Wala. Dahil tulad ng sankaterbang mga blog sa ngayon... pagpapapansin din lang naman ang punot-dulo ng lahat ng ito di ba? sino nga bang hindi gustong mapansin sila? Tao lang din naman ako at may damdaming tao din.

Ano ang meron sa Blog Title? Wala lang din. Yun lang ang naisip kong bigla eh... kailangan bang may rason lahat ng bagay? Pusta ko lahat din naman tayo nawawalan din ng rason paminsan-minsan.

Ang blog na ito ay para sa mga continuous thoughts ng isang studyanteng nasa huling taon (sana..) ng kanyang pag aaral sa kolehiyo. Walang structure o poetics. Walang rules o guidelines.

Isang kompaylaysyon ng mga hinuha at mga kuro-kurong hindi maisarili ng sumulat...





Sa madaling salita...





ISANG KABULASTUGAN.




-Lencio